Tuesday, October 7, 2008

leche PLAN

Ang dami dami dami kong plano for 2008! Puro spillover ito ng mga plano ko nitong 2007. Nakakalungkot man, hindi ko nakuha lahat ng mga hinangad ko makuha sana para sa taong ito.

Although luckily, I got promoted this year, this is becoming a hindrance to my one bold move to job – hop. Syempre, nakakahiya naman if I just leave right after I get my promotion. Of course, it entails great responsibilities and even greater expectations. Although I have received a few invitations to join their companies, I still consider the time I have to spend with my company now that they have just granted me a promotion. Pero hanggang kelan ako tatanaw ng utang na loob? Siguro hanggang March 2008 na ang pinakamatagal ng ilalagi ko sa Plantersbank.

Next year, iniisip ko kung gusto ko ba talaga mag-abroad. Eh paano naman ako magiging successful, eh hindi naman ako naghahanap ng trabaho? Medyo timing na lang din yung pagkakasakit ni daddy kasi kahit paano I get to see his improvement. It was a very serendipitous move by The Man because had I flown out, my mom would have endured everything alone. Kawawa!

Next year ulit, gusto ko rin makabili ng isang big-ticket item na talagang maipagmamalaki kong ako ang bumili, na talagang maraming lunch out/dinner dates/coffee-coffeehan/shopping ang tiniis ko na talagang pinag-ipunan ko ang pambili nun. I have a number of things in mind: isang magarang laptop, isang sosyaling European-brand na bag, isang pares ng mamahaling alahas na pwedeng maging heirloom piece, mailibre ko man lang ng plane ticket at shopping ang mommy ko sa hong kong o di kaya pang downpayment ng kotse o bahay (yeah, dream big!)

Next year pa rin, gusto ko rin ng isang hefty bank account. I also thought of investing my savings into something worthwhile, pero sabi nila mas advisable pa rin to be liquid nowadays. Oo nga naman. Sige, papalaguin ko na lang ang bank account ko.

Mabuhay ang mga ambitious!

No comments:

Post a Comment